di nyo ko kilala
dahil isa akong estranghero
isang istoker
isang masamang tao
isang mamamatay tao
pero sa utak ko lang yun
dahil alam nila isa akong tupa
maamong tupa...
adik sa kaligayahan
isang parte ng buwan
nanay mula noong ipinanganak
pero wala namang anak
ellipsis ang maskara
hindi isang makata
mahilig maglaro ng salita
at iguhit ang tulog na mukha
hulaan mo na lang kung kilala mo ko